Home

Isa sa mga madalas kong itanong sa mga malalapit kong kaibigan ay kung naranasan na ba nilang makaramdam ng labis na kalungkutan sa walang apparent na kadahilanan.

Yung hindi basta lungkot na :(, yung metal na lungkot, yung nararamdaman sa dibdib at pumupunit sa sikmura na lungkot, yung hindi ka naman natatae at busog pero parang oo pero nangingibabaw pa rin ang pakiramdam ng pagkahungkag. Na parang trip-trip lang ng Kosmos na iparamdam yun bigla, wala lang. At yun ang summary ng pakiramdam na yun: wala lang.

Parang wala lang ako.

Boku Dake ga Inai Machi 8.png

from Boku Dake ga Inai Machi, The Town Where Only I Am Missing.

 

 

Wala lang, saktong uululin ka lang ng feels mo na hindi ka naman gaanong heartbroken pa para mainspire magproduce ng art. Walang productive na exit sa kondisyong ito.

Ang iniisip ko, baka pareho kami ng problema ni Jesse sa Before Sunrise. Sabi niya doon, problema niya na  hindi siya makatakas sa sarili niya. Sa lahat ng pagkakataon daw ay kasama niya ang kanyang sarili. Naiinitan ako,parang gusto kong maghubad ng balat. Hindi ako makuntento. Hindi ako makuntento. Wala lang, ewan. Magawan na lang ng entry na maippost sa blog para kunwari profound ang realization, kunwari hindi narcissistic at may mahahango na universal truth, if there is such thing. Pero sa totoo, wala lang.

*updated photo

 

 

Leave a comment