Home

Imbentaryo ng mga hindi pa maaaring itapon

 

1 Acer na 13 in. laptop, walang virus, puno ng movies at discography ng mga awesome na banda, may Photoshop CS4, wala pang Lightroom, ninakaw kasama ang charger limang taon nang nakalipas

Napakarami nang supot ng Barakong Batangas, pasalubong ng mga minamahal na kaibigan, niluto sa kaldero/kaserola ng may pagmamahal

1 coffee maker, nakakagawa ng isang maliit na tasa ng kape lamang, black and decker, nabili noong sale, regalo ng nanay at tatay ilang pasko na ang nakaraan

1 wagas na self-confident na gilagid, na magpupumilit mag-hello sa bawat pagngiti ko

1 pares ng Havaianas na tsinelas, dark brown, original, wirdo ang pagkakagawa ng straps. Pinasa sakin ng nanay ko, at nanilbihan sa paa ko ng mahigit sa limang taon, sa iba’t-ibang terrain. Nakaakyat na ata hanggang Mud Springs sa Bundok Makiling. Patid na ang straps beyond repair

1 pares ng hikaw, chandelier, bright blue na may mga wisik ng ginto, nabili sa Feb Fair, paboritong kapares ng sleeveless na ethnic print shirt at scarf na kulay kahel, masayang isuot laluna kapag biyaheng Liliw, Pagsanjan o Banahaw, nawawala na ang isang piraso

1 payong, hindi foldable, itim, brown ang hawakan, at may print ng langit sa loob, 150php lang sa Ace hardware, magdadalwang taon ko nang hindi naiwawala.

1 scarf na kulay blue green, malambot at malamig sa balat, padala ng inay at itay, pambalot sa leeg, sa ulo o sa binti, panangga sa init o habagat

1 kulay berde na t-shirt, bigay ng tita, tinastas ang neckline, malambot na malambot dahil sa luma

1 ukelele, dark brown, bigay noong Summer 2013 (bago grumadweyt), may kalakip na memories (or was it dreams?) ng Beatles, Eraserheads, Belle and Sebastian, Velvet Underground, atbp., at mga panahong bahagyang umahon sa taghirap dahil sa libreng snack sa “gig”

1 UP Diksyunaryong Tagalog, nakabalot sa plastik, regalo noong huling Pasko (2012)

1 USB, light blue, pinangalanang Kim Jong Il, muling bininyagan bilang PW3T, may pingas sa plastic na case

2 Venzi na notebook, yung kunwari moleskin, isa pula (regalo), isa itim (bili), isa talaan ng mga panaginip, isa talaan ng mga tula

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s